Jun 1, 2006
Kaway

Tapos na ang oras. Paalam Jael... :(

Posted at 06:13 am by monakiki
Make a comment  

May 27, 2006
Hamon

Paalis mula sa miting ng org, hinarap nya ang behikulo ko...

Ilang hiritan pagkatapos ay ang tanong kung papaano sya uuwi...

Mukhang biruan pa rin, makikiangkas daw!
Hinayaan ko na lang tuloy na makiupong nakatalikod sa puwang

Sabay bawi - "Kapatid" ko lang ang iaangkas kong lalaki...

Sabay baba nya at hakbang.
Padyak ko at aratsada.

Simbilis ng takbo, gumulong ang isip.
Wag mo akong hamunin... Matagal na akong miyembro ng TIIS.


Posted at 01:31 am by monakiki
Make a comment  

May 17, 2006
Friendster

Single na ang dalaga... Pero Kasal pa rin si Roger... Ano kaya ang totoo?

Nakasalubong ko sya dalawang beses kanina... Nung una, halos hindi kami nagbatian... Nung padalawa, nagiwan ata ako ng nanghahalinang kurap ng mata...

Kunganuman, hindi ako susunggab... Hahayaan kong maisip nyang kalabitin ako...


Posted at 08:19 pm by monakiki
Make a comment  

Lipad

Nabanggit nya ang Saranggola at ako'y tumanggi
Hinukay pa nang kaunti at napasindi

"Tama Na!"

"Alis na ako.."

Pintig ko'y umayaw..

Nalambing nya ako sa mapait na nakaraan....


Posted at 04:20 pm by monakiki
Make a comment  

May 14, 2006
Jael

Totoo kayang may isang taong ginawa ang Diyos para kahibangan ko? Sa dami ng mga lalaking nagdaan? Si Jael na kaya 'yon? At pa'no kung sya nga? Magagawa ko pa kaya uling makapuslit ng overnayt? Magagawa kaya nyang tumakas sa bagong girlfriend nya, na malapit na kaibigan ko ngayong nagkataong nasa ibang bansa? Nagkaayos na kami mula sa nangyari ng gabing 'yon, magagawa pa ba naming isanla ang mahigit anim na taong pagsasama?


Sana...
Pero dapat hindi na.

 


Posted at 11:49 pm by monakiki
Comments (2)  

May 1, 2006
Roger...

Another Day - Rent, the Musical

ROGER
Who do you think you are?
Barging in on me and my guitar
Little girl -- hey
The door is that way
You better go you know
The fire's out anyway
Take your powder -- take your candle
Your sweet whisper
I just can't handle
Well take your hair in the moonlight
Your brown eyes -- goodbye, goodnight
I should tell you I should tell you
I should tell you I should -- no!
Another time -- another place
Our temperature would climb
There'd be a long embrace
We'd do another dance
It'd be another play
Looking for romance?
Come back another day
Another day

MIMI
The heart may freeze or it can burn
The pain will ease if I can learn
There is no future
There is no past
I live this moment as my last
There's only us
There's only this
Forget regret
Or life is yours to miss
No other road
No other way
No day but today

ROGER
Excuse me if I'm off track
But if you're so wise
Then tell me -- why do you need smack?
Take your needle
Take your fancy prayer
And don't forget
Get the moonlight out of your hair
Long ago -- you might've lit up my heart
But the fire's dead -- ain't never ever gonna start
Another time -- another place
The words would only rhyme
We'd be in outer space
It'd be another song
We'd sing another way
You wanna prove me wrong?
Come back another day
Another day

MIMI
There's only yes
Only tonight
We must let go
To know what's right
No other course
No other way
No day but today


MIMI & OTHERS
I can't control
My destiny
I trust my soul
My only goal is just
To be
There's only now
There's only here
Give in to love
Or live in fear
No other path
No other way
No day but today...

ROGER
Control your temper
She doesn't see
Who says that there's a soul?
Just let me be...
Who do you think you are?
Barging in on me and my guitar
Little girl, hey
The door is that way
The fire's out anyway

ALL
No day but today
No day but today
No day but today
No day but today
No day but today

ROGER
Take your powder, take your candle
Take your brown eyes, your pretty smile, your silhouette
Another time, another place
Another rhyme, a warm embrace
Another dance, another way
Another chance, another day


Posted at 03:48 pm by monakiki
Make a comment  

Apr 13, 2006
Sa Iba Naman

Pabasa-basa..


Blog entry
Contributed by xeanthee (Edited by amplifier)
Monday, April 03, 2006 @ 03:26:00 PM


May sikreto akong aaminin sa'yo…
Mayroong nangyaring hindi mo alam…
Ito'y isang lihim, itinagong kay tagal…


Ayokong sirain kung anuman ang meron tayo. Matagal-tagal na rin kasi tayong magkaibigan noh!

Alam mo ba na nagulat ako nung araw na tinawag mo akong bestfriend? Leche. Sawang sawa na ako sa bestfriend bestfriend na yan! Huling beses na nagkaroon ako ng "bestfriend", napahamak lang ang puso ko. Nasira pa ang isang pagkakaibigang itinatangi ko. Saka, heller! May bestfriend na kaya ako!

Di ko noon nakayang ipadama sayo…
Ang nararamdaman ng pusong ito…


Hindi ko naman kasi ineexpect na meron akong mararamdaman. Ika ko nga, i-deny hangga't kaya. Feeling ko hindi pa ako handa. Feeling ko nalungkot lang ako, na kinailangan ko lang ng makakasama. Makulit ka kasi, jologs din. Mapang-asar pero malambing. Malay ko bang darating sa punto na ikaw ay isa sa mga iilang dahilang nagpapangiti sa akin at nagkukumpleto ng araw ko?

Di ko alam kung ano ang nangyari…
Damdamin ko sayo'y hindi ko nasabi…


Humingi ako ng sign. Sabi ko dati hindi na ako naniniwala sa soulmates, sa fate at destiny eklavu na iyan pero hayun ako, eengot-engot na nagmakaawa sa kalangitang pagbigyan ako sa kahilingan ko. Tatlong beses akong humiling, tatlong beses rin ako sinagot.

At hanggang ngayon, naaalala pa…

I got what I asked for and guess what? Nasaktan ako.

Masakit kasi kahit papaano umasa na rin ako. Mahirap balewalain ang boses sa utak kong nagsasabing kalimutan ko na lang kung anuman itong nararamdaman ko kasi sobrang imposible na kaya mong suklian ito.

Pride? Siguro.

Nakanaman kasi. Bakit ang labo mo? Bakit ang dami mo nang sinabi pero hindi mo naman pinatunayan? Sobrang inconsistent mo. Sana ginalingan mo na rin ang pagtiming para sana ayos lahat ngayon.

Bad trip talaga. Sawi talaga siguro ako.

Hay. I guess it just wasn't meant to be.

Muntik na kitang minahal…

Posted at 04:19 pm by monakiki
Make a comment  

Sulat

Mahal,

Musta? Mahigit tatlong taon na rin pala.. Nakakalungkot, iniisip pa rin kita.. kahit sabi kong malilimutan kita pagkalipas ng saktong 2 taon, 2^2 buwan at 2^3 araw.. Hindi pa rin kita mabitiwan.. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan mo.. Gusto ko pa ring andyan ako para sayo..

Patawad, mahal, na inaalala pa rin kita.. Kahit alam kong matagal ka nang nakahakbang.. kahit alam kong masaya ka na sa piling nya.. pilit ko pa ring hinahanapan ng puwang.. nililista ang aming mga pagkakatulad.. idinidiin sa pusong ang minahal mo ay ang ako sa kanya..

Patawad sa pagpapanatiling buhay nitong kahibangan..

sa pagpapanatili ng iyong mga mensahe..
sa pagpapanatili ng larawan natin sa likod na takip ng cel..
sa pagtatago ng iyong naliitang polo nung hayskul..
larawan nung grad.. sulat nung retreat..

sa di matigil-tigil na paglingon..
sa di matigil-tigil na pagpapantasya..
sa di matapos-tapos na paghihintay..

"pls b strong 4 me.."

Patawad sa kahinaan..

sa patuloy na pagkapit..

sa patuloy na pagmamahal sayo..

Posted at 05:28 am by monakiki
Make a comment  

Apr 10, 2006
Pasaway

Tinext ko sya nung Huwebes, nangangamusta lang.

Walang sagot, syempre umasa pa raw ako.


Haay..


Magssummer classes din sya..

Maging magkaklase kaya kami?


Hm..

Sana..




Posted at 12:47 am by monakiki
Make a comment  

Mar 31, 2006
Rosa...

Ang ganda-ganda nya sa kulay rosang walang manggas at taling blusa..

Kaya siguro pinilit nyang sya na ang maglagay ng numerong pagpapadalhan ko ng mensahe kanina..

Para di ko na makita ang imahe ng dalaga..


Kunganuman, tol, ayos lang ako..
Wala na akong kailangan pang tanggapin..
Kahit paminsan-minsan naghahanap pa (haha)..
 
Salamat na rin sa di sinasadyang paalala..


"Basta ang objective natin remain friends.."

Yep yep!
Dito lang ako :)


Posted at 11:29 pm by monakiki
Make a comment  


Next Page



Ekserp mula sa unang entri: "Pulang T-shirt, Tsokolateng Kwelyo"

Kaya iluluwal kita, mahal kong sanggol, at bibigyan ng ngalang Alingasaw. Ikaw ang aking magiging bagong lungga sa mundong kay bilis na nagbabago. Ang tulay ko sa mapanghusgang kalakhan. Sapagkat sa iyo, nakatago ang aking katauhan. Sapagkat sa iyo, magagawa kong isaad ang pinaka-mapanghi kong kasalukuyan at nakaraan.

Sa dakilang mambabasa, salamat sa pagbisita. Tawagin nyo na lang akong Monakiki. Labing-walong taon. Estudyante ng Pilosopiya. Maganda pag naka-make up. Balingkinitan ang katawan. 99.9% Birhen. Kung nais akong makilala'y mag-iwan lamang ng mensahe sa tagboard, at blog na rin kung meron para mabisita kita. Magandang gabi!



   







rss feed